Piso ng Pilipinas | |||||
---|---|---|---|---|---|
| |||||
Kodigo sa ISO 4217 | PH | ||||
Bangko sentral | Bangko Sentral ng Pilipinas | ||||
Website | www.bsp.gov.ph | ||||
User(s) | ![]() | ||||
Pagtaas | 6.0%[1] | ||||
Pinagmulan | Bangko Sentral ng Pilipinas, Oktubre 2018[1] | ||||
Subunit | |||||
1/100 | Sentimo o centavo | ||||
Sagisag | ₱ | ||||
Perang barya | |||||
Pagkalahatang ginagamit | ₱1, ₱5, ₱10, ₱20 | ||||
Bihirang ginagamit | 1¢, 5¢, 10¢, 25¢ | ||||
Perang papel | |||||
Pagkalahatang ginagamit | ₱20, ₱50, ₱100, ₱500, ₱1000 | ||||
Bihirang ginagamit | ₱200 | ||||
Limbagan ng perang barya | The Security Plant Complex | ||||
Website | bsp.gov.ph | ||||
Gawaan ng perang barya | The Security Plant Complex | ||||
Website | bsp.gov.ph |
Ang Piso ng Pilipinas (Ingles na Pilipinong pagbigkas: /ˈpɛsoʊ/, /ˈpisoʊ/; Filipino: [ˈpiso] o [pɪˈso]; simbolo ng salapi: ₱; kodigo: PHP), ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na ang piso ay nangangahulugang "timbang". Nahahati ang bawat piso sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO 4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Kolombiya at Arhentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso (halos USD 11.5 bilyon).
Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayong Filipino na ang gamit sa mga salaping papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.
Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala (Ingles: word processor) sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay.[2] Ang simbolong ito ay natatangi sa Pilipinas dahil ang mga bansang gumagamit ng piso tulad ng Mehiko at ang mga iba pang dating sakop ng Espanya sa Amerikang Latino ay gumagamit ng “$”.
Ang mga salaping papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod Quezon.[3]
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)