Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo, kaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay.[1]
Sa loob ng isang taon, maraming nangyayaring mga pagdiriwang sa bansang Pilipinas. Kabilang sa mga uri nito ang pagiging mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang, at mga pagidiriwang na panrelihiyon o makapananampalataya.[2]