Ang Porto-Novo (Pagbigkas sa Pranses: [pɔʁtɔnɔvo]; kilala din bilang Hogbonu at Ajashe; Fon: Xɔ̀gbónù) ay ang kabisera ng Benin. Sinasakop ng komuna ang sukat na 110 km2 (42 mi kuw) at noong 2002, mayroon itong isang populasyon na 223,552 katao.[1][2]
Ang pangalan nito, Porto-Novo (Bigkas sa wikang Portuges: [ˈpoɾtu ˈnovu]) ay mula sa wikang Portuges na nangangahulugang "Bagong Daugan". Ganito ang pangalan dahil orihinal na ginawa ito bilang isang daungan para sa kalakalan ng mga alipin na pinamunuan ng Imperyong Portuges.
Minsang nagng sangay ang Porto-Novo ng kaharian ng Yoruba ng Imperyong Oyo.[3][4]