Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Enero 2024)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Petsa | 2017–kasalukuyan |
---|---|
Uri | Programa sa transportasyon |
Dahilan | Mga alalahanin sa kaligtasan at kalikasan |
Badyet | ₱2.2 bilyon[1] |
Organized by |
|
Ang Programang Pagmomodernisa ng Pampublikong Sasakyan ay isang programang inilunsad ng Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas noong 2017, na may layuning gawing episyente at makakalikasan ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa pagsapit ng 2020. Nananawagan ang programa para sa pagwawaksi ng mga dyipni, bus at iba pang pampublikong sasakyan na 15 taon gulang o higit pa at palitan ang mga ito ng mas ligtas, mas komportable at mas makakalikasan na mga alternatibo sa susunod na tatlong taon. Sa kasalukuyan, mayroong 220,000 dyipni na aktibo sa buong bansa.[2]
Ang mga kapalit na sasakyan ay kinakailangang magkaroon ng makina na umaayon sa Euro 4 o higit pa o isang makinang de-kuryente upang mabawasan ang polusyon. Kabilang sa mga minumungkahing pangangailangan ang mga kamerang CCTV, awtomatikong sistema ng pangongolekta ng pamasahe, limitador ng bilis at mga monitor ng GPS.[3]
Tinantiya ng Bangko sa Lupa ng Pilipinas na ang pagpalit ng bawat dyipni ay nagkakahalaga ng ₱1.4 milyon hanggang ₱1.6 milyon.[4] Subalit, kapag 6% ang tasa ng interes at 7 taon ang panahon para bayaran, aabot ng ₱2.1 milyon ang gagastusin para sa isang dyipni.[5]
Kahit positibo ang tingin ng karamihan ng taong-bayan tungkol dito,[6] pinuna ng ilang samahan sa transportasyon ang programa dahil maaaring mauwi ito sa pagkawala ng mga trabaho at negosyo.[7][8]