Mga koordinado: 14h 29m 42.9487s, −62° 40′ 46.141″
Ang Proxima Centauri (Latin proxima, na may kahulugang "kasunod" o "malapit sa")[1] ay isang pulang duwende na may layong 4.24 sinag-taon mula sa Araw, na nasa loob ng G-cloud, sa konstelasyon ng Centaurus.[2][3] Natuklasan ito noong 1915 ng isang Suwisong astrónomo na si Robert Innes, ang Direktor ng Union Observatory sa Timog Aprika, at naging pinakamalapit na natuklasang bituin mula sa Araw,[4] kahit na malabo itong makita ng mga mata, na may maliwanag na kalakhan na 11.05. May layo itong 0.237 ± 0.011 ly (15,000 ± 700 AU sa ikalawa at ikatlong pinakamalapit na bituin, na kung saan ay bumubuo sa dalawahang Alpha Centauri.[5] Maaaring bahagi ang Proxima Centauri ng sistemang tatluhang bituin kasama ang Alpha Centauri A at B, subalit may layong 500,000 taon ang kanyang periyodong orbital
{{cite news}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)