Ang Pulo ng Wight (Ingles: Isle of Wight) ay isang kondado at ang pinakamalaking pulo ng bansang Inglatera, na matatagpuan sa Bambang ng Inglatera, 5-8 kilometro mula sa timog ng kondado ng Hampshire, at pinaghihiwalay ng isang kipot na tinatawag na Solent.[1] Ang pulong ito ay bantog sa likas na kagandahan, sa paglalayag na nanggagaling sa lungsod ng Cowes, at sa mga pahingahan na pinupuntahan ng mga tao noong pang panahong Biktoryana.