Punto (heometriya)

Sa klasikong heometriyang Euclidean, ang isang punto ay isang primitibong nosyon na iminomodelo ang isang eksaktong pook sa espasyong maka-Euclides, at walang haba, lapad, o kapal. Sa modernong matematika, mas kadalasang tinutukoy ng isang punto ang isang elemento ng ilang pangkat na tinatawag na isang espasyo.

Ang terminong primitibong nosyon ay mangangahulugan na hindi naipapaliwanag ang isang punto sa mga tuntunin ng mga bagay na dating ipinaliwanag. Kumbaga, ang isang punto ay ipinapaliwanag lamang ng ilang mga propyedad, na tinatawag na mga aksiyoma, na dapat matuguan, halimbawa, "may eksaktong isang guhit na pinagdadaanan ang dalawang magkaibang punto".


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne