Ang puson o tiyan (Ingles: abdomen) ay ang bahagi sa katawan ng tao na nakalagay sa pagitan ng dibdib at ng mga hita; o ang bahagi ng katawang nasa ibaba ng dibdib at nasa pagitan ng mga buto ng balakang. Ito ang kinapapalooban ng mga panloob na tiyan, ureter, mga bituka, atay, pali, panloob na bahagi ng puwit, pantog, apdo, sistemang pasuplingan sa labas ng mga suso, at iba pang mga laman-loob.[1][2] Sa mga tao, at marami pang ibang mga vertebrata, ito ang rehiyon sa pagitan ng thorax at ng balakang (ang thoracic diaphragm o makapal na litid sa pagitan ng tiyan at dibdib ang naghihiwalay sa puwang na pang-torako at ng puwang sa puson[3]). Sa may tamang gulang na insekto, ang puson ay ang pangatlo o likurang bahagi pagkaraan ng ulo at thorax. Tinatawag na buyon ang isang "malaking tiyan."[4]
Sa harapan, natatakpan ang puson ng isang makapal na kalatagan ng masel na pangkaraniwang dumidiin ng banayad sa mga lamang nasa loob ng puson. Sa itaas, nakakabit ang mga masel na ito sa pang-ibabang mga tadyang; sa likod, nakadikit ang mga ito sa pitak ng gulugod; at sa ilalim, nakadugtong sila sa mga buto ng balakang. Nagpapatuloy ang panloob na butas ng puson pababa magpahanggang sa hukay sa may mabutong balakang.[5]
{{cite web}}
: External link in |author=
(tulong)