Quezon

Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw).
Quezon

Tayabas
(mula itaas: kaliwa hanggang kanan) Bundok Banahaw de Lucban, Quezon Provincial Capitol, Quezon boundary arch sa Tiaong, Alibijaban Island, Cagbalete Island at Tulay Malagonlong
Watawat ng Quezon
Watawat
Opisyal na sagisag ng Quezon
Sagisag
Mga palayaw: 
Kalupaan ng Libong Kulay (Land of Thousand Colors)
Kaniyugan/ Lupain ng Niyog (Cocolandia)[1][2]
Buslo ng Pagkain ng Calabarzon (Food Basket of CALABARZON)[3]
Bansag: 
Walang Tamad sa Quezon![4]
Pilipinas, Quezon Naman!
Healing Quezon
Awit: Lalawigan ng Quezon (Quezon Hymn)
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
OpenStreetMap
Map
Mga koordinado: 13°56′N 121°37′E / 13.93°N 121.62°E / 13.93; 121.62
BansaPilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
Itinatag1591 (bilang Kalilayan)
Paghihiwalay mula sa Laguna1754 (bilang Tayabas)
Itinatag muliMarso 12, 1901 (bilang Tayabas)
Ipinangalan kay (sa)Manuel L. Quezon
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lucena
Pamahalaan
 • GobernadorAngelina D.L. Tan (NPC)
 • Bise GobernadorAnacleto A. Alcala III (NPC)
 • LehislaturaQuezon Provincial Board
Lawak
 • Kabuuan8,989.39 km2 (3,470.82 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak8th out of 81
Pinakamataas na pook2,170 m (7,120 tal)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan1,950,459
 • Ranggo13th out of 81
 • Kapal220/km2 (560/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadika-45 sa lahat ng 81
 (maliban sa Lucena)
DemonymQuezonian (Ingles)
Taga-Quezon, Quezonin (Tagalog)
Tayabasin (Tagalog-petsado)
Tayabeño(-a) (Espanyol-arkeyik)
Divisions
 • Malalayang lungsod
 • Mga bahaging lungsod
 • Mga munisipalidad
 • Mga Barangay
 • Mga distritoLegislative districts of Quezon (ibinahagi kasama ang Lucena)
Demographics
 • Mga Etnikong grupo
Sona ng orasUTC+8 (PHT)
ZIP code
4300–4342
IDD:area code+63 (0)42
Kodigo ng ISO 3166PH-QUE
Sinasalitang wika
Websaytquezon.gov.ph
Preview warning: Page using Template:Infobox settlement with unknown parameter "LargestMetro"

Quezon (Baybayin: ᜃᜒᜐᜓᜈ꠸), opisyal na Lalawigan ng Quezon (Ingles: Province of Quezon), ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Calabarzon sa Luzon. Kalilayan[N 1] ang unang kilalang pangalan ng lalawigan noong pagkatatag nito noong 1591. Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ito ay pinalitan ng Tayabas. Bilang pagkilala sa ikalawang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon, ang pangalan ng Lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng Quezon. Ang Lucena, ang kabisera ng probinsiya ay pinamamahalaan nang malaya mula sa lalawigan bilang isang lubos na urbanisadong lungsod. Upang maitangi ang lalawigan sa Lungsod Quezon, minsan ay tinatawag itong Probinsya ng Quezon.

Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.

Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espirituwal na mistisismo kung saan maraming may Anitismong paniniwala at mga kulto o debotong Kristiyano ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong pook o dambana para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol.

  1. "Philippine Coconut Statistic 2018" (PDF). Philippine Coconut Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-04-08.
  2. "Quezon Province has been known as Cocolandia for being the top coconut producer in the Philippines". FILIPIKNOW®. July 15, 2021.
  3. "Building climate-resilient communities". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-04-08.
  4. ATAGAN - Alternatibong Tahanan ng mga Akda at GAwang Nasaliksik. [Tayabas (Quezon) Studies Center]
  5. "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong January 17, 2013. Nakuha noong November 22, 2013.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "N", pero walang nakitang <references group="N"/> tag para rito); $2


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne