Bahagi ng serye sa |
Biolohiyang ebolusyonaryo |
---|
Mga mahahalagang paksa |
Mga larangan at aplikasyon
|
Social implications |
Sa biolohiyang ebolusyonaryo, ang radiasyong pag-aangkop(adaptive radiation) ang ebolusyon ng dibersidad na ekolohikal at penotipiko sa loob ng mabilis na dumadaming lipi. [1] Sa pagsisimula sa isang kamakailang ninuno, ang prosesong ito ay nagreresulta sa espesiasyon at pag-aangkop na penotipiko ng kalipunan ng mga espesyeng nagpapakita ng mga katangiang morpolohikal at pisiolohikal na magagamit ng mga ito sa isang saklaw ng mga diberhenteng kapaligiran. [1]
Ang radiasyong pag-aangkop na isang karakteristikong halimbawa ng kladohenesis ay maaaring grapikong mailawa bilang isang "bush" o klado ng kapwa umiiral na mga espesye sa puno ng buhay. [2]