Ang relihiyon sa Mesopotamia ay tumutukoy sa mga paniniwalang pang-relihiyon at mga kasanayang panrelihiyon na sinunod ng mga taong Sumeryo at Silangang Semitikong Akkadian, Asiryo, Babilonio at mga Kaldeo na nabuhay sa Mesopotamia (ngayong modernong Iraq at hilagang silangang Syria) na nanaig sa rehiyong ito sa 4,200 taon mula sa ika-4 na milenyo BCE sa buong Mesopotamia hanggang ika-10 siglo CE sa Asirya.
Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang politeismo sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong Kristiyanismo gayundin ng Manicheanismo at Gnostisismo na tumagal ng 3 hanggang 4 na siglo hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si Ashur ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.
Bahagi ng isang serye hinggil sa |
Mitolohiyang Mesopotamiano |
---|
Relihiyong Mesopotamiano |
Ibang mga tradisyon |
Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na relihiyon sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga relihiyong Cananeo, relihiyong Arameo, relihiyon ng Sinaunang Gresya, mga relihiyong Poeniko gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang mitolohiya ng Bibliya gaya ng mito ng paglikha, Adan at Eba, Arko ni Noe, Tore ng Babel, Nimrod at Lilith. Ang mga kuwento ni Moises ay katulad sa kuwento ni Sargon ng Akkad at ang mga kautusan ni Moises ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio, halimbawa ang batas na "mata sa mata" ni king Hammurabi. Ang mga Israelita ay sinakop ng Imperyong Babilonio noong 587 CE at ipinatapon sa Babilonia. Pinaniniwalaan ng mga skolar na ang Torah at karamihan ng Tanakh o Lumang Tipan ay isinulat pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelite sa babylonia.
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang kabilang buhay na isang lupain sa ilalim ng ating mundo. Ito ay kilala number Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nila.