Ang Renasimiyento (mula Kastila: Renacimiento; Ingles: Renaissance), kilala rin sa tawag na Muling Pagsilang, ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Kapanahunan at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Gitnang Kapanahunan at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon. Nakatuon ang tradisyonal na pananawa sa mga maagang modernong aspeto ng Renasimiyento at hinihimok na pagtigil ito ng nakaraan, ngunit nakatuon ang mga mananalaysay ngayon sa mga edad medyang aspeto at hinihimok na karugtong ito ng gitnang panahon.[1][2]. Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.
Bilang kilusang pangkultura, kasama sa Renasimiyento ang makabagong pamumulaklak ng Latin at katutubong panitikan na nagsimula sa muling pag-aaral mula sa mga klasikong sanggunian noong ika-14 na siglo na pinupuri ng mga kapanahon kay Petrarch; ang pagsulong ng perspektibong linyar at ibang kasiningan para mailarawan ang mas natural na realidad sa pagpipinta; at unti-unting pero laganap na reporma sa edukasyon. Sa pulitika, nag-ambag ang Renasimiyento sa pag-unlad ng mga kaugalian at kombensyon ng diplomasya, at sa agham sa nadagdagang pagtitiwala sa pagmamasid at pangangatuwirang pasaklaw. Kahit mararami ang mga rebolusyon ng Renasimiyento sa mga intelektwal na pagtugis, pati na rin ang pagbabagong panlipunan at pampulikta, marahil na pinakakilala ito para sa kanyang pagsulong sa kasiningan at sa mga kontribusyon ng mga erudito katulad nila Leonardo da Vinci at Michelangelo na naging inspirasyon para sa terminong "taong Renasimiyento (Ingles: Renaissance man)".[3][4]
Nagsimula ang Renasimiyento noong ika-14 na siglo sa Florencia, Italya.[5] Mararami ang mga napanukalang teorya para mapaliwanag ang kanyang pinagmulan at katangian na nakatuon sa iba't ibang salik katulad ng kakaibhang panlipunan at pambayan sa panahong iyon: istrakturang pampulitika, ang pagtataguyod ng kanyang nangingibabaw na pamilya, ang Medici,[6][7] at ang pandarayuhan ng mga Griyegong iskolar at kanilang mga teksto sa Italy pagkatapos ng Pagbasak ng Constantinople sa Ottomang Turko.[8][9][10] Kabilang sa mga ibang pangunahing sentro ang mga hilagang Italyanong lungsod-estado katulad ng Venezia, Genova, Milano, Bologna, at sa huli Roma noong Renasimiyentong Kapapahan.
Ang Renasimiyento ay may mahaba at masalimuot na historyograpiya, at, alinsunod sa pangkalahatang pag-aalinlangan ng mga hiwalay na pagpapanahon, nagkaroon ng debate ang mula mananalaysay na tumugon sa ika-19 na siglong pagkaluwalhati ng "Renasimiyento" at indibidwal na bayani ng kultura bilang "taong Renasimiyento" na inuusisa ang kahalagahan ng Renasimiyento bilang isang termino at makasaysayang guhit-balangkas.[11] Naobserbahan ni Erwin Panofsky, isang mananalaysay ng sining ang pagtutol sa konsepto ng "Renasimiyento":
Marahil na hindi aksidente na ang katotohanan ng Italyanong Renasimiyento ay pinaka-nausisa nang masigla ng mga taong hindi obligadong kumuha ng propesyonal na interes sa estetikang aspeto ng sibilisasyon – mga mananalaysay ng pag-uunlad pang-ekonomika at panlipunan, mga sitwasyong pampulitika at pangrehilyon, at lalo na, agham pangkalikasan – ngunit katangi-tangi lamang ng mga mag-aaral ng panitikan at bihira lamang sa mga mananalaysay ng Kasiningan.[12]
Nagduda ang mga ibang tagamasid kung kultural na "pagsulong" ang Renasimiyento mula sa Gitnang Kapanahunan, at tinitingnan nila ito bilang panahon ng pesimismo at galimgim para sa klasikong sinaunang kasaysayan,[13] habang ang mga panlipunang at pang-ekonomikang mananalaysay, lalo na ng mga longue durée, ay nakatuon na lamang sa kawalang-tigil ng dalawang kapanahunang ito,[14] na konektado, tulad ng inobserbahan ni Panofsky, "ng isang libong pagkakaugnay".[15]
Unang lumitaw ang salitang Renaissance, na nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) noong dekada 1830.[16] Matatagpuan din ang salita sa gawain ni Jules Michelet noong 1855, Histoire de France. Ginagamit din ang salitang Renasimiyento sa mga ibang makasaysayang at kultural na kilusan, katulad ng Renasimiyentong Carolingo at Renasimiyento ng ika-12 siglo.[17]
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang brotton
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang starn
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang mur
); $2