Rendang

Rendang
Awtentikong bakang rendang mula sa Minangkabau (Padang), Indonesya, na may madilim na kulay, at kaunting likido lamang
Ibang tawagRandang (sa Minangkabau)
KursoUlam
LugarIndonesya[1][2]
Rehiyon o bansaKanlurang Sumatra[3]
Kaugnay na lutuinIndonesya,[4] Malasya, Singapura, Brunay
Ihain nangMainit o temperatura ng silid
Pangunahing SangkapKarne (baka, tupa or kambing), gata, sili, luya, galangal, luyang-dilaw, tanglad, bawang, lasuna
BaryasyonRendang na manok, rendang na pato, rendang na atay, rendang na pali

Ang rendang ay isang maanghang na ulam na Indones na nagmula sa rehiyon ng Minangkabau sa Kanlurang Sumatra, Indonesya.[5] Kumalat ito sa buong Indonesya at naging bahagi ng mga lutuin ng mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Malasya, Singapura, Brunay at Pilipinas.[2] Madalas na inilarawan ang rendang bilang isang malasang kari sa Timog-silangang Asya na ginawa sa pagkukulob ng karne sa gata at pampalasa hanggang sa ito ay lumambot.[6] Ang rendang ay karne — kadalasang baka (rendang daging) — na mabagal na niluto at kinulob sa gata at timpla ng mga pampalasa,[7][8] hanggang sa sumingaw ang mga likido at maging madilim na kayumanggi at malambot ang karne, karamelisado at punong-puno ng mga malasang espesya.

Bilang modelong putahe ng kulturang Minangkabau, tradisyonal na inihahain ang rendang sa mga seremonya upang parangalan ang mga bisita tuwing mga espesyal na okasyon; tulad ng mga kasalan at Hari Raya (Eid al-Fitr).[9] Tradisyonal na inihahain din ang rendang ng mga Malay sa Indonesya, Malasya, Singapura at Brunay, pati na rin ng mga Magindanaw at Maranaw sa Pilipinas.[10] Kahit kadalasang inilalarawan ng mga eksperto sa pagkain ang rendang bilang kari,[5] hindi ganoon ang pagkaturing sa Indonesya o Malasya dahil mas malinamnam ito at mas kaunti ang likido nito kumpara sa mga karaniwang kari.[11]

Sa Indonesya, 6 magkakaibang tradisyon ng paghahanda ng rendang ang ipinagkaloob ng di-materyal na pamanang kultural ng Ministro ng Edukasyon at Kultura ng Indonesya, lahat sa ilalim ng pamana ng lalawigan ng Kanlurang Sumatra. Noong 2010, ang Randang (ang pagbaybay ng Rendang sa wikang Minang),[12] at gulai rendang (rendang na inihahain kasama ng mas maraming sarsang gata)[13] ay ipinagkaloob ng katayuan sa pamanang kultural, na sinundan ng Randang daging (rendang na karne),[14] randang kantang (rendang na patatas),[15] at randang incek kacang (rendang na may bins)[16] noong 2016, habang nakatanggap ng parehong katayuan ang rendang paku ng Dharmasraya (rendang na inihanda sa dahon ng pako (Diplazium esculentum)) noong 2018.[17]

Noong 2011, sa isang online poll ng CNN International na sinagot ng 35,000 katao, nanomina ang rendang na baka bilang ang Ika-1 pinakamasarap na putahe sa mundo sa kanilang talaan, World's 50 most delicious foods: Readers' picks ("50 pinakamasarap na pagkain ng mundo: pinili ng mga mambabasa"; kahit #11 ito sa orihinal na talaan na ginawa ng mga tauhan).[18][19] Noong 2018, opisyal na kinilala ang rendang bilang isa sa 5 pambansang putahe ng Indonesya, kasama ng soto, sate, nasi goreng, at gado-gado.[20]

  1. Keating, Sarah (11 Hunyo 2018). "How an outrage over crispy chicken united South-East Asia" [Kung paano pinagkaisa ng galit sa malutong na manok ang Timog-silangang Asya]. www.bbc.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-11.
  2. 2.0 2.1 Taylor, Jean Gelman (2003). Indonesia: Peoples and Histories [Indonesya: Mga Tao at Kasaysayan]. New Haven and London: Yale University Press. pp. 46. ISBN 0-300-10518-5.
  3. "Should chicken in rendang curry be crispy? Masterchef U.K. sparks debate" [Dapat ba malutong ang manok sa karing rendang?] (sa wikang Ingles). Canoe. Associated Press. 3 Abril 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2018. Nakuha noong 5 Abril 2018. Ang kari ("rendang"), na nagmula sa Kanlurang Sumatra sa Indonesya, ay sikat sa Malasya, Indonesya, Singapura, Brunay at Timog Taylandiya. (Isinalin mula sa Ingles)
  4. Gita Amanda (5 Hulyo 2020). "Antropolog: Rendang Bukan Cuma Makanan Tapi Identitas Budaya". www.republika.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 2020-10-18.
  5. 5.0 5.1 Owen, Sri (1993). The Rice Book [Ang Aklat ng Bigas] (sa wikang Ingles). Doubleday. ISBN 0-7112-2260-6.
  6. "Malaysians roast MasterChef over chicken rendang elimination" [MasterChef, binatikos ng mga Malasyo dahil sa eliminasyon ukol sa rendang na manok]. BBC News (sa wikang Ingles). 2018-04-03. Nakuha noong 2020-10-11.
  7. Holzen, Heinz Von (2014-09-15). A New Approach to Indonesian Cooking [Isang Bagong Paraan sa Lutuing Indones] (sa wikang Ingles). Marshall Cavendish International Asia Pte Ltd. ISBN 978-981-4634-95-3.
  8. Kautsar, Muthi Achadiat (2 Setyembre 2018). "Why beef rendang is the right food to send to natural disaster victims" [Bakit rendang na baka ang tamang pagkain na ipapadala sa mga biktima ng natural na kalamidad]. The Jakarta Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-10.
  9. Lipoeto, Nur I; Agus, Zulkarnain; Oenzil, Fadil; Masrul, Mukhtar; Wattanapenpaiboon, Naiyana; Wahlqvist, Mark L (February 2001). "Contemporary Minangkabau food culture in West Sumatra, Indonesia" [Kontemporaryong kultura ng pagkain ng Minangkabau sa Kanlurang Sumatra, Indonesya]. Asia Pacific Journal of Clinical Nutrition (sa wikang Ingles). 10 (1). Blackwell Synergy: 10–16. doi:10.1046/j.1440-6047.2001.00201.x. PMID 11708602.
  10. Thomas, Amanda. "Regional Cuisine of Mindanao" [Lutuing Rehiyonal ng Mindanao]. Balay.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2019. Nakuha noong 20 Abril 2019.
  11. "Arti Dibalik Masakan Rendang" (sa wikang Indones). Rendang Naniko. 30 Abril 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Setyembre 2014. Nakuha noong 13 Setyembre 2014.
  12. "Randang". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  13. "Gulai Rendang". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  14. "Randang Daging". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  15. "Randang Kantang". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  16. "Randang Incek Kacang". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  17. "Randang Paku Dharmasraya". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Nakuha noong 2020-12-16.
  18. Tim Cheung (7 Setyembre 2011). "Your pick: World's 50 best foods" [Iyong pinili: 50 pinakamasarap na pagkain ng mundo] (sa wikang Ingles). CNNGo. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2012. Nakuha noong 19 Mayo 2015.
  19. "World's 50 most delicious foods" [50 pinakamasarap na pagkain ng mundo]. CNNGo (sa wikang Ingles). Cable News Network. 21 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2011. Nakuha noong 20 Setyembre 2011.
  20. Media, Kompas Cyber. "Kemenpar Tetapkan 5 Makanan Nasional Indonesia, Ini Daftarnya". KOMPAS.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 18 Abril 2018.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne