Irlanda Éire
| |
---|---|
Kabisera | Dublin |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Irlandes, Ingles |
Pamahalaan | Republika at Parlamentaryong Demokrasiya |
• Pangulo | Michael D. Higgins |
• Punong Ministro | Simon Harris |
Kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian | |
24 Abril 1916 | |
21 Enero 1919 | |
• Kinilala | 6 Disyembre 1922 |
29 Disyembre 1937 | |
• Sumapi sa Unyong Europeo | 1 Enero 1973 |
Lawak | |
• Kabuuan | 70,273 km2 (27,133 mi kuw) (ika-120) |
• Katubigan (%) | 2.00 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2006 | 4,239,848 (ika-121) |
• Densidad | 60.3/km2 (156.2/mi kuw) (ika-139) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2006 |
• Kabuuan | $177.2 bilyon (ika-49) |
• Bawat kapita | $43,600 (ikalawa) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2006 |
• Kabuuan | $202.9 bilyon (ika-30) |
• Bawat kapita | $50,150 (ika-5) |
TKP (2004) | 0.956 napakataas · ika-4 |
Salapi | Euro (€)[1] (EUR) |
Sona ng oras | UTC+0 (WET) |
• Tag-init (DST) | UTC+1 (IST (WEST)) |
Kodigong pantelepono | 353 |
Internet TLD | .ie[2] |
|
Ang Irlanda[3][4] (Ingles: Ireland ( /ˈaɪərlənd/ o /ˈɑrlənd/), Irlandes: Éire, pronounced [ˈeː.ɾʲə] ( listen)), kilala rin bilang Republika ng Irlanda (Irlandes: Poblacht na hÉireann) ay isang soberanya-estado o bansa sa kanlurang Europa na sumasakop sa limang-kaanim (five-sixths) ng pulo ng Irlanda. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay ang Dublin, na matatagpuan sa silangang bahagi ng pulo, kung saan ang pook ng punong-lungsod (metropolitan area) nito ay tahanan ng halos isang-kapat ng 4.6 na milyong nananahan sa bansa. Kabahagi ng estado sa tanging hangganang lupa nito ang Hilagang Irlanda, na bahagi ng Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom). Pinaliligiran ito ng Karagatang Atlantiko, na sa timog nito ay ang Dagat Celtico, ang Saint George's Channel sa timog-silangan, at ang Dagat Irlandes naman sa silangan. Isa itong unitaryo at parlamentaryong republika na may inihao. Ang pinuno ng pamahalaan, ang Taoiseach, ay nominado ng mababang kapulungan ng parlamento, ang Dáil Éireann.
Kasunod ng Digmaang Irlandes para sa Kasarinlan at ng sumunod nitong Kasunduan Anglo-Irlandes, natamo nang tuluyan ng Irlanda ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian bilang isang Malayang Estadong Irlandes nong 1922. Pinili naman ng Hilagang Irlanda na gamitin ang tinatawag na Ulster Month upang manatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Sa umpisa'y isang dominyo sa loob ng Imperyong Britaniko (kinalauna'y Komonwelt ng mga Bansa), natanggap ng Malayang Estado ang opisyal na pagkilalang Britaniko ng ganap na malayang tagapagbatas (full legislative independence) sa Statute of Westminster ng 1931. Isang bagong saligang-batas ang pinagtibay noong 1937, kung saan ang pangalan ng estado'y naging Irlanda. Noong 1949 ang mga natitirang tungkulin ng hari - na itinadhana ng Batas Kapangyarihang Tagapagpaganap (Ugnayang Panlabas) ng 1936 (Executive Authority (External Relations) Act 1936) - ay inalis at ipinahayag ang Irlanda bilang isang republika sa ilalim ng Batas Republika ng Irlanda ng 1948 (Republic of Ireland Act 1948). Ang estado ay walang pormal na pakikipag-ugnayan sa Hilagang Irlanda sa malaking bahagi ng ikadalawampung siglo, subalit mula noong 1999 ang dalawa ay nagtutulungan sa ilang mga patakaran sa ilalim ng North-South Ministerial Council na nilikha ng Kasunduang Biyernes Santo (Good Friday Agreement).
Kasama ang Irlanda sa pinakamayayamang mga bansa sa mundo batay sa GDP per capita. Matapos sumali sa dating Pamayanang Ekonomikong Europeo (European Economic Community) na ngayon ay Unyong Europeo taong 1973, nagpatupad ng serye ng mga patakarang pang-ekonomiyang liberal na nagbunga ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya, na sinabayan din ng mabilis na pagsipa ng di-pagkakapantay-pantay. Nakamit din ng bansa ang kasaganahan mula 1995 hanggang 2007, kung saan nakilala ang bansa bilang Celtic Tiger. Nabalam ito ng di-inaasahang krisis sa pananalapi na nagsimula noong 2008, kasabay ng pandaigdigang pagbulusok ng ekonomiya.
Bagama't bumabangon pa rin mula sa pagbagsak ng ekonomiya, ang Irlanda ay nananatiling isa sa mga pinakamasaganang bansa sa daigdig. Noong taong 2011 at 2013, naitala ito bilang ikapitong pinakamaunlad na bansa sa daigdig ayon sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao ng Nagkakaisang Bansa. Mahusay rin ang Irlanda sa iba't ibang sukatan ng pambansang gawain (national performance), kasama ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaang pang-ekonomiya at kalayaang sibil. Ang Irlanda ay kasapi rin ng Unyong Europeo at kasaping tagapagtatag ng Konseho ng Europa at ng OECD. Itinataguyod nito ang patakaran ng walang kinikilingan sa pamamagitan ng di-pagpanig at hindi rin miyembro ng NATO, bagaman at nakikiisa ito sa Samahan para sa Kapayapaan (Partnership for Peace).