Republikang Romano

Republikang Romano
Roma
509 BK–27 BK
Salawikain: Senatus Populusque Romanus
"Ang Senado at ang Sambayanang Romano"
Probinsiyang Romano sa gabi ng pagpaslang kay Julius Caesar, c. 44 BK
Probinsiyang Romano sa gabi ng pagpaslang kay Julius Caesar, c. 44 BK
KabiseraRoma
Karaniwang wikaLatin (imperial), Greek (administrative)
Relihiyon
Politesmong Romano
PamahalaanRepublika
Konsul 
• 509–508 BK
Lucius Junius Brutus, Lucius Tarquinius Collatinus
• 27 BK
Gaius Julius Caesar Octavianus, Marcus Vipsanius Agrippa
LehislaturaMga Lehislatibong Pagtitipon
PanahonSinaunang Panahon
• Pagpapatalsik kay Tarquinius Superbus pagsunod ng Pag-gahasa kay Lucretia
509 BK
• Itinanghal na Habangbuhay na Diktador si Julius Caesar
44 BK
2 Setyembre 31 BK
• Octavian ipinahayag na Augustus
16 Enero 27 BK 27 BK
Lawak
326 BK[1]10,000 km2 (3,900 mi kuw)
200 BK[1]360,000 km2 (140,000 mi kuw)
146 BK[1]800,000 km2 (310,000 mi kuw)
100 BK[1]1,200,000 km2 (460,000 mi kuw)
50 BK[1]1,950,000 km2 (750,000 mi kuw)
Pinalitan
Pumalit
Kahariang Romano
Imperyong Romano
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "longm"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "longd"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "region"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "continent"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "latNS"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "longEW"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "latd"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "latm"

Ang Republikang Romano (Latin: Res publica Romana) ay ang kapanahunan ng sinaunang Romanong kabihasnan na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika matapos ang pagbagsak ng Kahariang Romano noong 509 BK at nagtapos noong 27 BK sa pagtatatag ng Imperyong Romano. Sa panahon na ito lumawak ang kontrol ng Roma mula sa kapaligiran ng lungsod hanggang sa gahum ng buong Mediteraneong mundo.

Sa panahon ng unang dalawang siglo ng pag-iral nito, lumawak ang Republikang Romano sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pananakop at pakikipag-alyansa, mula sa gitnang Italya hanggang sa buong tangway nito. Nang sumunod na siglo, nakabilang nito ang Hilagang Aprika, Espanya, at ang ngayon ay timog Pransiya. Dalawang siglo matapos noon, sa bandang huli ng ika-1 siglo BK, nakabilang na ang natitirang bahagi ng modernong Pransiya, Gresya, at karamihan ng silangang Mediteraneo. Sa panahon na ito, ang mga panloob na salungatan ay humantong sa isang serye ng mga digmaang sibil, umabot sa kasukdulan noong panahon ng pagpaslang kay Julio Cesar, na humantong sa transisyon mula sa republika sa pagiging imperyo. Ang eksaktong petsa ng pagtransisyon ay bukas sa interpretasyon. Maraming historyador ang nagpapahayag na ang pagtawid ni Julio Cesar ng Ilog ng Rubicon sa 49 BK, ang paghirang ni Cesar bilang diktador pang habang-buhay sa 44 BK, at ang pagkatalo ni Mark Antony at Cleopatra sa Labanan ng Actium sa 31 BK. Gayunman, ang ginagamit ng karaniwan ay ang parehong petsa na ginamit ng mga sinaunang Romano, ang pagkaloob ng pambihirang kapangyarihan kay Octavian at ang kanyang paggamit ng titulong Augustus noong 27 BK bilang ang pagtukoy sa kaganapang nagtapos sa Republika.

Ang Romanong pamahalaan ay pinamunuan ng dalawang konsul, inihahalal taun-taon ng mga mamamayan at pinapayuhan ng isang senado na binubuo ng hinirang na mga mahistrado. Dahil napaka makaherarkiya ng Romanong lipunan sa modernong pamantayan, ang pagsulong ng pamahalaang Romano ay lubhang naiimpluwensyahan ng pakikibaka sa pagitan ng mga patrisyo, ang pagaangkin ng lupa ng Romanong aristokrasya, na kung sino ay sinaliksik ang kanilang lahi sa pagtatag ng Roma, at ang mga plebo, ang higit na mas maraming mamamayang karaniwang tao. Sa paglipas ng panahon, ang mga batas na nagbigay ng eksklusibong mga karapatan sa mga patrisyo sa pinakamataas na mga tanggapan ng Roma ay nabago o pinahinaan, na humantong sa mga plebong pamilya na maging ganap na kasapi ng aristokrasya. Ang mga pinuno ng Republika ay nakabuo ng isang malakas na tradisyon at moralidad na nangangailangan ng pampublikong serbisyo at pagtataguyod sa kapayapaan at digmaan, na gumawa ng hindi mapaghiwalay na ugnay sa militar at pampulitikang tagumpay. Marami sa ligal at lehislaibong istraktura ng Roma (mamaya isinabatas sa Justinianong Kodigo, at muli sa Napoleonikong Kodigo) ay maaari pa ring ma-obserbahan sa buong Europa at karamihan sa mundo sa modernong mga estadong bansa at internasyonal na mga organisasyon.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D." Social Science History. 3 (3/4): 125. doi:10.2307/1170959. {{cite journal}}: Check |first= value (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne