Saddam Hussein

Saddam Hussein
5th President of Iraq
Nasa puwesto
16 July 1979 – 9 April 2003
Punong Ministro
Nakaraang sinundanAhmed Hassan al-Bakr
Sinundan niJay Garner*
Chairman of the Revolutionary Command Council
Nasa puwesto
16 July 1979 – 9 April 2003
Nakaraang sinundanAhmed Hassan al-Bakr
Sinundan niPost abolished
General Secretary of the Regional Command of the Iraqi Ba'ath Party
Nasa puwesto
16 July 1979 – 13 December 2003 (de facto, 30 December 2006, de jure)
Nakaraang sinundanAhmed Hassan al-Bakr
Sinundan niIzzat Ibrahim ad-Douri
57th & 61st Prime Minister of Iraq
11th & 15th Prime Minister of the Republic of Iraq
Nasa puwesto
29 May 1994 – 9 April 2003
Nakaraang sinundanAhmad Husayn Khudayir as-Samarrai
Sinundan niMohammad Bahr al-Ulloum**
Nasa puwesto
16 July 1979 – 23 March 1991
Nakaraang sinundanAhmed Hassan al-Bakr
Sinundan niSa'dun Hammadi
Personal na detalye
Isinilang
Saddam Hussein Abd al-Majid al-Tikriti

28 Abril 1937(1937-04-28)
Al-Awja, Iraq
Yumao30 Disyembre 2006(2006-12-30) (edad 69)
Kadhimiya, Iraq
Partidong pampolitikaBa'ath Party (NPF)[1]
AsawaSajida Talfah, Samira Shahbandar
AnakUday, Qusay, Raghad, Rana, Hala

Si Saddam Hussein Abd al-Majid al-Tikriti[2] (28 Abril 1937 [3] - 30 Disyembre 2006[4]), ay isang dati at ikalimang Pangulo ng Irak, mula 16 Hulyo 1979 hanggang 9 Abril 2003 nang siya ay patalsikin sa kapangyarihan sa Digmaan sa Irak na pinamunuan ng Estados Unidos. Isang pangunahing miyembro ng rebolusyonaryong Partidong Ba'ath na nagtataguyod ng halong nasyonalismong Arabo at Arabong sosyalismo, si Saddam ay gumanap ng isang mahalagang papel sa kudeta noong 1968 na naglagay sa partidong ito sa kapangyarihan sa matagal na panahon sa Irak.

Bilang bise presidente sa ilalim ng may sakit na si Heneral Ahmed Hassan al-Bakr na sa mga panahong ito ay maraming mga pangkat ang itinuturing na may kakayahang patalsikin ang kasalukuyang gobyerno, si Saddam ay lumikha ng puwersang seguridad kung saan kanyang mahigpit na kinontrol ang alitan sa pagitan ng gobyerno at puwersang sandatahan(armed forces). Nang simula nang 1970, ginawa ni Saddam na pambansa ang langis at ibang mga industriya. Ang mga pag-aari ng estadong bangko ay kanyang iniligay sa kanyang pangangasiwa upang ang sistemang ito ay hindi bumagsak. Sa dekada 1970, kanyang pinagtibay ang kanyang kapangyarihan sa mga kasangkapan ng gobyerno habang ang mga kita sa langis ay tumulong upang mapalago ng mabilis ang ekonomiya ng Irak. Si Saddam ay isang tagasunod ng sektang Sunni ng Islam[5] at sa mga panahong ito, ang mga posisyon sa gobyerno ay pinuno ng mga Sunni na bumubuo lamang sa isa sa lima(1/5) ng populasyon ng Irak. Kanya ring sinugpo ang maraming mga kilusan partikular na ang Shia at Kurdish na nagnanais patalsikin ang gobyerno o magkamit ng independensiya. Napanatili ni Saddam ang kanyang kapangyarihan noong digmaang Iran-Irak noong 1980 hanggang 1988. Noong 1990, kanyang sinakop ang Kuwait at dahil dito, ang isang internasyonal na koalisyon ay nanghimasok upang palayain ang Kuwait sa digmaan ng Golpo noong 1991 ngunit hindi nito napatalsik si Saddam sa kapangyarihan. Habang ang iba ay pinupuri si Saddam sa kanyang matibay na panindigan laban sa Israel kabilang na ang pagpapaputok ng misayl(missile) sa mga pinatatamaang lugar sa Israel, marami naman ang kumondena sa kanya dahil sa brutalidad ng kanyang diktadurya.

Noong Marso 2003, isang koalisyon ng mga bansa na pinamunuan ng Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian ay sumakop sa Irak upang patalsikin si Saddam dahil sa paniniwalang si Saddam ay nagtatago ng mga sandatang pangwasak ng masa at may kaugnayan sa mga terorista. Ang partidong Ba'ath ay nabuwag at ang Irak ay lumipat sa isang sistemang demokratiko. Pagkatapos ng pagkakadakip kay Saddam noong Disyember 13, 2003, siya ay nilitis sa ilalim ng pansamantalang gobyerno hinggil sa pagpatay noong 1982 sa 148 mga Shiite na Iraki. Siya ay napatunayang may sala at nahatulang mamatay sa pamamagitan ng pagbibigti na naganap noong 30 Disyembre 2006.

  1. Ian Gorvin. Elections Since 1945. Harlow, Essex: Longman. 1989. p. 166. "Since 1968 [as of 1989] political power in Iraq has rested with the Arab Baath Socialist Party, which is the main component of the National Progressive Patriotic Front."
  2. Ang Hussein ay hindi isang apelido sa diwang Kanluranin. Ang "Saddam" (binibigkas na "Sad-DAHM") ay ang bigay sa kanyang personal na pangalan; "Hussein" ang ibinigay na personal na pangalan para sa kanyang ama; "al-Majid" ang kanyang apelido o pangalang pangmag-anak, at "al-Tikriti" ang pangalang nagsasabi kung saang rehiyon siya nagmula. Sa maraming mga bansang Arabo, karaniwan siyang tinatawag na "Saddam Hussein" o "Saddam." Subalit, sa Irak, dati at palagi siyang tinatawag sa pamamagitan ng kanyang pormal na pamagat bilang pangulo. May ilang taong nakikipagtalo na bastos ang pagtawag lamang sa kanya ng "Saddam" at hindi naaangkop kaugnay ng akademya. Pangkaraniwan sa mga lalaking Arabo ang pagdaragdag ng pangalan ng bayan o nayon na kanilang pinanggalingan sa kanilang pangalan. Dahil dito, ang pangalan niya ay magiging "Saddam Hussein al-Awja."
  3. Sa ilalim ng kanyang pamahalaan, ang petsang ito ang kanyang opisyal na petsa ng kapanganakan. Hindi naisulat kailan man ang tunay na petsa ng kanyang pagkakasilang, ngunit iniisip na nasa pagitan ng 1935 at 1939. Mula kay Con Coughlin, Saddam The Secret Life, Pan Books, 2003 (ISBN 0-330-39310-3).
  4. "Hussein executed, Iraqi TV stations report". CNN. Nakuha noong Disyembre 30. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |work= (tulong); Unknown parameter |accessyear= ignored (|access-date= suggested) (tulong)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-22. Nakuha noong 2011-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne