Ang Saint Malo ay isang maliit na nayong pampangingisdaan na umiral sa St. Bernard Parish, Louisiana sa dalampasigan ng Lake Borgne mula kalagitnaan ng ika-18 daantaon hanggang sa kaagahan ng ika-20 daantaon, nang mawasak ito ng isang unos na dumapo sa New Orleans noong 1915.[1] Ito ang unang maliit na pamayanan ng mga Pilipino sa Estados Unidos.