Sakit sa pag-iisip

Sakit sa pag-iisip
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Walong babae na kumakatawan sa mga dayagnosis sa pagka-sira ng ulo sa ika 19 siglo. (Armand Gautier)
ICD-10F.
MeSHD001523

Ang sakit sa pag-iisip, pagka-sira ng ulo o diperensiya sa pag-iisip (Ingles: mental illness o mental disorder) ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal. Ang kapansanan o ang hindi kakayahan na mamuhay ng normal sa lipunan ay depende sa uri ng sakit sa pag-iisip ng isang indibidwal at sa ginagawang paraan upang magamot ito. Ang isang sakit sa pag-iisip na napabayaan ay maaaring magdulot ng paglala nito o panganib sa isang indibidwal at sa lipunan. Halimbawa, ang depresyon at ang diperensiyang bipolar na pinabayaan at hindi natugunan ng pansing medikal ay maaaring magtulak sa isang indibidwal na magpatiwakal. Ang sakit sa pag-iisip ay maaaring mamana mula sa isang magulang o kamag-anak, lumitaw dahil sa hindi normal na paggana ng mga neurotransmitter sa utak ng isang indbidwal, maging resulta ng mga pangyayari sa pagbubuntis o kapanganakan ng isang indibidwal o lumitaw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karanasan na nagdudulot ng trauma sa isang indibidwal.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne