Saligang batas

Tabernakulo ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang saligang batas o konstitusyon ay isang pangkat ng mga prinsipyong saligan o pundamental o nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan o inaalinsunuran kung paano pinamamahalaan ang isang estado o iba pang organisasyon.[1] Ang pinagsama-samang mga alituntuning ito ang bumubuo (kaya't tinawag na "konstitusyon", mula sa Ingles na constitute na may kahulugang "bumubuo") sa kung ano ang entidad). Kapag naisulat na ang mga prinsipyong ito upang maging isang kalipunan o pangkat ng mga kasulatang pambatas, ang mga dokumentong ito ay masasabing bumubuo ng isang "nasusulat" na saligang batas.

Ang saligang batas ay nakatuon sa iba't ibang mga antas ng mga organisasyon, mula sa mga estadong nagsasarili magpahanggang sa mga kumpanya at mga asosasyong hindi inkorporado. Ang isang tratado na naglulunsad ng isang organisasyong internasyunal ay ang saligang batas din nito, dahil bibigyang kahulugan nito ang kung paano nabuo ang samahan iyon. Sa loob ng mga estado, maging nagsasarili man o pederado, binibigyang kahulugan ng isang saligang batas ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng estado, ang mga hakbang na sinusunod sa paggawa ng mga batas at ng kung sino. Ang ilang mga saligang batas, natatangi na ang nasusulat na mga konstitusyon, ay gumaganap din bilang hangganan ng kapangyarihan ng estado, sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga guhit na hindi matatawid ng mga pinuno ng estado, katulad ng mga saligang karapatan (mga karapatang pundamental).

Ang Saligang Batas ng India ay ang pinakamahabang nasusulat na konstitusyon ng anumang bansang nagsasarili sa mundo,[2] na naglalaman ng 448 mga artikulo,[3][4] 12 mga talatakdaan at 100[5] mga pagsususog, na mayroong 117,369 na mga salita na nasa bersiyon nito ng wikang Ingles,[6] habang ang Saligang Batas ng mga Nagkakaisang Estado (Konstitusyon ng Estados Unidos) ay ang pinakamaiksing nasusulat na saligang batas, na mayroong 7 mga artikulo at 27 mga susog.[7]

  1. The New Oxford American Dictionary, Ikalawang Edisyon, Erin McKean (patnugot), 2051 mga pahina, Mayo 2005, Oxford University Press, ISBN 0-19-517077-6.
  2. Pylee, M.V. (1997). India's Constitution. S. Chand & Co. p. 3. ISBN 81-219-0403-X.
  3. Sarkar, Siuli. Public Administration In India. PHI Learning Pvt. Ltd. p. 363. ISBN 978-81-203-3979-8.
  4. Kashyap, Subhash (2001). Our Constitution-An introduction to India's Constitution and Constitution Law. National Book Trust, India. p. 3. ISBN 978-81-237-0734-1.
  5. Saligang Batas ng India
  6. "Constitution of India". Ministry of Law and Justice of India. Hulyo, 2008. Nakuha noong 2008-12-17. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  7. "National Constitution Center". Independence Hall Association. Nakuha noong 2010-04-22.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne