![]() | |
Ibang tawag | salokara, salucara, salocara |
---|---|
Kurso | Panghimagas, almusal |
Lugar | Pilipinas |
Rehiyon o bansa | Silangang Samar |
Ihain nang | Mainit o mainit-init |
Pangunahing Sangkap | Galapong, tubig o gata, asukal, tuba/lebadura |
Baryasyon | tingnan ang Bibingka |
Ang salukara ay isang uri ng pankeyk ng mga Waray sa Silangang Samar, Pilipinas. Gawa ito sa galapong (o harinang malagkit), gata, asukal, at tubig, ang parehong mga sangkap sa paggawa ng keyk na tinatawag na bibingka. Karaniwang ginagamit ang tuba bilang pampaalsa, na nagpapaasim nang kaunti sa mga pankeyk, pero maaari itong palitan ng karaniwang lebadura. Niluluto ang mga ito sa kawali o luwad na palayok na, ayon sa tradisyon, nilagyan ng mantika ng baboy o sinapinan ng dahon ng saging. Karaniwan itong inaalmusal o minemeryenda.[1][2]