Kabuuang populasyon | |
---|---|
751 (1.1.2012)[1] | |
Mga rehiyong may malalaking populasyon | |
Israel Palestinian Authority | |
Samaritan communities | |
Holon | ~350 |
Kiryat Luza | 348[1] |
ibang mga siyudad | ~50 |
Mga relihiyon | |
Samaritanism | |
Mga kasulatan | |
Samaritan Torah Samaritan Book of Joshua[2] | |
Mga wika | |
Modern Vernacular Modern Hebrew, Arabic Past Vernacular Arabic, preceded by Aramaic and earlier Hebrew Liturgical Samaritan Hebrew, Samaritan Aramaic, Samaritan Arabic[2] | |
Related ethnic groups | |
Jews, Palestinian people |
Ang Samaritano ay isang etnorelihiyosong pangkat ng Levant na nagmula sa sinaunang mga mamamayan ng rehiyong ito. Sa relihiyon, ang mga Samariano ay mga tagasunod ng Samaritanismo na relihiyong Abrahamiko na malapit na nauugnay sa Hudaismo. Ang kanilang banal na kasulatan ang Samaritan Torah. Sila ay nag-aangkin na ang kanilang pagsambang Samaritanismo ang tunay na relihiyon ng mga sinaunang Israelita bago ang pagkakatapon sa Babilonia at naingatan ng mga natirang ito sa Israel. Kanilang inaangkin na ang Hudaismo ay kamag-anak ng kanilang relihiyon ngunit binago ito mga bumalik na Israelita mula sa pagkakatapon sa Babilonia. Ang mga Samaritano ay nag-aangkin na sila ay nagmula sa pangkat ng mga Israelita mula sa lipi nina Ephraim at Manasseh gayundin sa liping saserdote ni Levi. Ang kanilang pangalang "Samaritano" ay hinango hindi mula sa lugar na heograpiko kundi sa terminong Hebreo na Shamerim שַמֶרִים, "Mga tagasunod ng Batas". Sa Talmud na teksto ng Hudaismo, ang pag-aangkin ng pinagmulang ninuno ng mga Samaritano ay tinutulan. Sa mga tekstong ito, ang mga Samaritano ay tinatawag na mga Cuthean (Hebrew: כותים, Kuthim) na tumutukoy sa siyudad na Cutha(Kutha) na matatagpuan sa ngayong Iraq. Gayunpaman, ayon sa Bibliya, ang Cuthah ay isa lang sa mga siyudad kung saan ang mga tao ay dinala sa Samaria. Ang mga Samaritano ay kalaunang tinawag na mga Cuthean upang saktan ang mga ito at may karagdagang pagsasaad na ang mga lalake ng Kuth ay gumawa kay Nergal na kanilang diyos. Ang mga Samaritano ay dating isang malaking pamayanan na hanggang higit sa milyon sa panahong Huling Romano. Ang mga ito ay kalaunang unti unting nabawasan sa ilang mga sampung libo sa nakaraang ilang mga siglo. Ito ay resulta ng iba't ibang mga pangyayari gaya ng madugong pagsupil sa Ikatlong Paghihimagsik ng mga Samaritano noong 529 CE laban sa mga Kristiyanong pinunong Byzantine at sa pang-masang pang-aakay sa Islam sa Simulang panahong Muslim ng Palestina. Noong Enero 2012, ang mga Samaritano ay may bilang na 751 at eksklusibong nakatira sa Kiryat Luza sa Nablus, West Bank at sa siyudad ng Israel na Holon. May mga tagasunod rin ang Samaritanismo sa iba't ibang mga lugar sa labas ng Israel lalo na sa Estados Unidos.