Sangley

Sangley
Isang mestiza de sangley, c. 1875
Kabuuang populasyon
18,000,000–27,000,000
18–27% ng populasyon (sang-ayon sa sensus ng 2015)[1]
Wika
Tagalog, mga wikang Bisaya,, Hokkien, Pilipinong Ingles at ibang mga wika sa Pilipinas

Ang Sangley (Sangley mestizo, mestisong Sangley, mestizo de Sangley o mestisong Intsik) ay isang lipas nang katawagan na ginagamit sa Pilipinas simula noong panahon ng mga Kastila upang isalarawan at iuri ang mga Tsino at Tsinong may lahing Pilipino (tinuturing ang huli bilang Indio).[2]

Pumasok ang mga Tsino sa Pilipinas bilang mga mangangalakal bago ang kolonisasyon ng mga Kastila. Sa pagpasok nila, nadagdag ang ilang oportunidad sa trabaho at negosyo. Marami ang dumayo sa Pilipinas, na itinatatag ang pinagtipong pamayanan sa Maynila noong una tapos sa ibang mga lungsod.

Ibang katawagan na tumutukoy sa mga Tsino o sa mga Tsino na may lahing Pilipino:

  • Intsik (hinango mula sa Hokkien na katawagang "in-chek" na nangangahulang "kanyang tiyuhin") ay likas na katawagan para sa mga Tsino sa pangkalahatan.
  • Chinoy o Tsinoy (mula sa salitang Kastila na Chino, at ang salitang Pinoy) ay kasalukuyang katawagan na ginagamit ng ilan upang tukuyin ang isang tao na ipinanganak sa Pilipinas na mula sa Tsina o Pilipinong may lahing Tsino.
  • Chino o Tsino ay isang katawagan na hinango mula sa Kastila na nangangahulagang na tao mula sa Tsina.
  1. "The ethnic Chinese variable in domestic and foreign policies in Malaysia and Indonesia" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-11-01. Nakuha noong 2012-04-23.
  2. "Chinese/Native intermarriage in Austronesian Asia" (sa wikang Ingles). colorq.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2010. Nakuha noong Enero 8, 2011.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne