Sarimanok | |
---|---|
Pamagat | Sarimanok |
Paglalarawan | Ang alamat na ibon ng mga Maranao |
Kasarian | Lalaki/babae |
Rehiyon | Mindanao |
Ang sarimanok /sá·ri·ma·nók/ (sa Maranao "artipisyal na ibon") ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng katimugang Pilipinas. Ito rin ay isang makulay na kulay na karaniwan ay gawa sa tanso, sa anyo ng isang nakatayong ibon, na malamang ay isang susulbot[1] na may nakasabit na isda sa tuka nito. Kinakatawan din ng sarimanok ang mayamang sining ng mga Maranao at ito'y sumisimbolo rin ng kasaganahan.[2]
Walang makapagbigay katiyakan ng pinagmulan ng sarimanok. May kuro-kurong ito ay isang totem na ibon ng mga Maranao, na kung tawagin ay itotoro, na siyang nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga espiritu sa pamamagitan ng di-nakikita nitong kakambal na ibong kung tawagin ay inikadowa. Ayon kay Akram Latip, isang iskolar na Maranao, "Halos lahat ng mga Sarimanok ay nililikha ng mga taga-Tugaya,"[3] kung saan karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.[4]