Ang Saturno (Ingles: Saturn,[1] IPA: /ˈsætɚn/; sagisag: ) ay ang pang-anim na planeta mula sa Araw at ang pangalawang pinakamalaking planeta sa sistemang solar, pangalawa sa Hupiter. Nagmula sa isang sinaunang bathalang Romano ang pangalan ng planetang ito.
Katulad ng planetang Hupiter, ang Saturno ay walang solidong ibabaw, mayroon lamang itong mga patong ng malalamig na idrohino na nasa pormang likido at gas. Mayroon din itong mabrilyanteng disk na gawa sa napakaraming patag na singsing ng yelo. Ito ay karaniwang umiikot sa nasabing planeta.[2]
Hindi bababa sa 146 na buwan[3] ang umiikot sa planeta, kung saan 63 ang opisyal na pinangalanan; hindi kasama sa mga ito ang daan-daang moonlet sa mga singsing. Ang Titan, ang pinakamalaking buwan ng Saturno at ang pangalawang pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Ito ay mas malaki (at hindi gaanong malaki) kaysa sa planetang Merkuryo at ang tanging buwan sa Sistemang Solar na may malaking kapaligirang angkop para sa buhay.[4]