Kaharian ng Saudi Arabia المملكة العربية السعودية al-Mamlaka al-ʻArabiyya as-Suʻūdiyya | |
---|---|
Awiting Pambansa: "Aash Al Maleek" "Mabuhay Ang Hari" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Riyadh |
Wikang opisyal | Arabic |
Katawagan | Saudi, Saudi Arabian |
Pamahalaan | Unitary Islamic absolute monarchy |
• Hari | Salman ng Saudi Arabia |
• Punong Ministro | Salman ng Saudi Arabia |
Lehislatura | Council of Ministers[2] (appointed by the king) |
Establishment | |
• First Saudi State established | 1744 |
• Second Saudi State established | 1824 |
• Third Saudi State declared | 8 Enero 1926 |
• Kinilala | 20 Mayo 1927 |
• Napagkaisang Kaharian | 23 Setyembre 1932 |
Lawak | |
• Kabuuan | 2,149,690 km2 (830,000 mi kuw) (14th) |
• Katubigan (%) | negligible |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2009 | 28,686,633[3] (41st) |
• Densidad | 12/km2 (31.1/mi kuw) (205th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $592.886 billion[4] (22nd) |
• Bawat kapita | $23,814[4] (38th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $469.426 billion[4] (23rd) |
• Bawat kapita | $18,855[4] (41st) |
TKP (2007) | 0.843[5] napakataas · 59th |
Salapi | Saudi Riyal (SR) (SAR) |
Sona ng oras | UTC+3 (AST) |
• Tag-init (DST) | UTC+3 ((not observed)) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | 966 |
Kodigo sa ISO 3166 | SA |
Internet TLD | .sa |
|
Ang Kaharian ng Saudi Arabia (Arabe: المملكة العربية السعودية al-Mamlakah al-‘Arabīyah as-Su‘ūdīyah Bigkas Arabe (tulong·impormasyon)) o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘ūdīyah (Arabe: السعودية), ay ang pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Mundong Arabe. Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa United Arab Emirates sa silangan. Sa Oman naman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.[6]
Naitatag ni Abdul-Aziz bin Saud (na kilala noong panahon niya bilang Ibn Saud) ang Kaharian ng Saudi Arabia noong 1932. Ngunit nagsimula ang pagbuo nito noong 1902 nang makuha niya ang Riyadh na siyang katutubong lupain ng kanyang pamilya - ang Bahay ng Saud na tinatawag na Al Saud sa wikang Arabe. Ang pamahalaang Saudi Arabia, na sa simula pa lamang ay isang ganap na monarkiya, ay tinutukoy na Islamiko ang kanilang sistema ng pamahalaan. Subali't ito ay pinagtatalunan sapagkat ito ay labis na nakabatay sa Salapismo na isang maliit na sangay ng paniniwalang Islam. Kadalasang tinatawag na "Ang Lupain ng Dalawang Banal na Moske" ang kaharian dahil dito matatagpuan ang dalawang pinakabanal na lugar sa Islam, ang Masjid al-Haram (sa Mecca), at Al-Masjid al-Nabawi (sa Medina.
Pinakamalaki sa daigdig ang reserbang langis ng Saudi Arabia. Halos 90% ng kalakal na iniluluwas ay mula sa langis, at 75% ng kita ng pamahalaang Saudi ay mula rin dito. Ito ang naging kagamitan ng bansa upang ito ay maging isang Estadong Panlipunan.[7] Subali't ang mga pangkat ng mga Karapatang Pantao gaya ng Amnesty International at Human Rights Watch ay paulit-ulit na nagpapahayag ng pag-aalala sa estado ng karapatang pantao sa Saudi Arabia.