Ang sayaw ng Hudyo (Ingles: Jewish dance) ay tumutukoy sa mga sayaw na may kaugnayan sa mga Hudyo at sa Hudaismo. Ang sayaw ay matagal nang ginagamit ng mga Hudyo bilang isang paraan ng pagpapahayag ng katuwaan at iba pang mga damdaming pampamayanan. Ang pagsasayaw ay isang paboritong pampalipas ng oras at nagkaroon ng isang gampanin sa pagsasagawa ng mga bagay na panrelihiyon.[1]
Ang mga sayaw na may kaugnayan sa mga tradisyong Ashkenazi at Sephardi, natatangi na sa mga sayaw sa kasal ng Hudyo, ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga Hudyo sa Estados Unidos at sa palibot ng mundo. Ang mga sayawing-bayan na mayroong kaugnayan sa Zionismo at sa pagbuo (pormasyon) ng Estado ng Israel ay naging popular noong dekada ng 1950.[2]