Schizophrenia | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
![]() Damit na ibinurda ng isang pasyente na mayroong eskisoprenya | |
ICD-10 | F20. |
ICD-9 | 295 |
OMIM | 181500 |
DiseasesDB | 11890 |
MedlinePlus | 000928 |
eMedicine | med/2072 emerg/520 |
MeSH | F03.700.750 |
Ang Schizophrenia o Eskisoprenya (sa salitang ugat sa Lumang Griyego na schizein, σχίζειν, "ihiwalay" at phrēn, phren-, φρήν, φρεν-, "pag-iisip"; Kastila: esquizofrenia) ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng paghina ng mga prosesong pang-isipan at ng kakulangan ng mga tugon na nauukol sa emosyon. Ang mga karaniwang sintomas nito ay kinabibilangan ng mga halusinasyon na naririnig at nakikita,[1] mga delusyon na sila ay inuusig o napakadakila,[1] at mga hindi maayos na pagsasalita. Ang pagsisimula ng mga sintomas nito ay nangyayaring tipikal sa pagtuntong sa maagang karampatang gulang. Ito ay nangyayari sa buong mundo ng mga 0.3–0.7%. Ang diagnosis ng sakit na ito ay batay sa mga napagmamasdang pag-aasal sa mga pasyente gayundin sa mga mismong inuulat na karanasan ng pasyente. Ang henetika, maagang kapaligiran, neurobiyolohiya, at mga prosesong sikolohikal at panlipunan ay lumilitaw na nag-aambag na mga paktor ng sakit na ito. Ang ilang mga drogang nirereseta o mga drogang panlibangan ay lumilitaw na nagsasanhi o nagpapalala ng mga sintomas nito. Sa kasalukuyang mga pagsasaliksik ay walang natuklasang organikong sanhi ng sakit na ito. Sa kabila ng pinagmulang salita nitong mga ugat na wikang Griyegong skhizein (σχίζειν, "ihiwalay") at phrēn, phren- (φρήν, φρεν-; "isipan"), ang schizophrenia ay hindi nagpapahiwatig ng isang "hiwalay na personalidad" o "diperensiyang maraming personalidad" na kilala ngayon bilang dissociative identity disorder. Sa halip, ang schizophrenia ay nangangahulugang paghihiwalay ng mga tungkuling pang-isipan dahil sa mga nakikitang sintomas sa sakit na ito.
Ang salitang schizophrenia ay inimbento ng psychiatrist na si Eugen Bleuler.
Ang mga 30% hanggang 50% ng mga meron nito ay walang kabatiran o sa ibang salita ay hindi nila tinatangap na meron silang schizophrenia o ang paggamot nito.[2]
{{cite journal}}
: Check date values in: |date=
(tulong)