Ang Section23 Films (legal na pangalan "SXION 23, LLC"[1]) ay isang Amerikanong tagapamahagi ng maramihang midya na nakatuon sa mga anime at pelikulang Hapon. Itinatag noong 2009, ang Section23 Films ay isa sa limang kahalili sa ADV Films, gayun din bilang tagapamahagi para sa Sentai Filmworks at Switchblade Films.[2] Ipinahayag ng ADV na binenta ang mga pag-aari nito sa isang pangkat ng mga kompanya, kabilang ang Section23, noong Seteyembre 1, 2009. (sa Ingles)[3] Nakabase ang kompanya sa Houston, Texas.