Ang Senado ng Berlin (Aleman: Berliner Senat) ay ang kinatawang ehekutibo na namamahala sa lungsod ng Berlin, na sa parehong pagkakataon ay isang estado ng Alemanya. Ayon sa Saligang-Batas ng Berlin ang Senado ay binubuo ng Namumunong Alkalde ng Berlin at hanggang sampung senador na hinirang ng namamahala na alkalde, dalawa sa kanila ay hinirang na (kinatawang) alkalde.[1] Ang Senado ay nagpupulong lingguhan sa Rotes Rathaus (Pulang Munisipyo).[2]