Ang sentauro o sentoro (mula sa Sinaunang Griyegong Κένταυροι - Kéntauroi) ay isang nilalang sa mitolohiyang Griyego. Mayroon itong pang-itaas na bahagi ng katawan katulad ng sa tao, subalit may katawan ng isang kabayo sa ibaba ng baiwang. Bagaman tinatawag o maituturing na isa itong uri ng tikbalang, naiiba ito sa tunay na tikbalang.[1] Kabilang sa kilalang mga sentauro sina Cheiron at Nessos.