Cultural Center of the Philippines | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 8 Setyembre 1969[1] |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Bulebar ng Roxas, Hugnayang CCP, Maynila, Pilipinas |
Kasabihan/motto | O, di ba, mas maganda kung may Art sa Buhay mo? |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Websayt | www.culturalcenter.gov.ph |
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) (Ingles: Cultural Center of the Philippines) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas. Ito ay naglalangkap ng mga pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga paglilingkod na tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig.[1]
Ang mga pinakamahusay na artista mula sa mga iba't ibang panig ng bansa at ng daigdig ay binibigyan ng karangalan habang nagtatanghal sa mga tanghalan at galerya ng CCP, kung saan nabibighani ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon mula itinatag ito. Matatagpuan ito sa lungsod ng Maynila[2][3][4] at ayon naman sa ibang mga websayt, ito ay nasa lungsod ng Pasay.