Ang isang sentrong pampangasiwaan, sentrong administratibo, o punong pampangasiwaan (Ingles: administrative centre), ay isang luklukan o sentro ng panrehiyon na pangasiwaan o lokal na pamahalaan, o isang bayang kondado, o ang pook kung saang matatagpuan ang sentral o gitnang pangasiwaan o administrasyon ng isang komyun.
Sa mga bansa kung saang isa sa kanilang mga wikang pampangasiwaan ay ang wikang Pranses (tulad ng Belhika, Luxembourg, Switzerland o maraming mga bansang Aprikano) at sa ilang mga ibang bansa (tulad ng Italya, ihambing sa salitang capoluogo), ang isang chef-lieu (Pagbigkas sa Pranses: [ʃɛfljø], pangmaramihan chefs-lieux (literal na "punong lugar" o "ulong lugar"), ay isang bayan o lungsod na nakatataas mula sa isang pampangasiwaang perspektibo. Ang ‘f’ sa chef-lieu ay binibigkas, kabaligtaran sa chef-d'oeuvre kung saang hindi ito binibigkas.