Sierra Madre (Pilipinas)

Sierra Madre (Pilipinas)
Tanawin sa timog ng hilagang Sierra Madre mula sa taluktok ng Bundok Cagua sa Cagayan
Pinakamataas na punto
TuktokBundok Guiwan
Kataasan1,915 m (6,283 tal)
Mga dimensyon
Haba680 km (420 mi) Hilaga hanggang timog
Heograpiya
Sierra Madre (Pilipinas) is located in Pilipinas
Sierra Madre (Pilipinas)
Location of the center of the range in the Philippines
BansaPilipinas
Lalawigan
Rehiyon
Mga koordinado ng bulubundukin16°3′N 121°35′E / 16.050°N 121.583°E / 16.050; 121.583[1]
Nakahangganan saKaragatang Pasipiko

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Bumabagtas mula sa lalawigan ng Cagayan sa hilaga at Quezon sa timog, binubuo ng mga bundok ang silangang pundasyon ng Isla ng Luzon, ang pinakamalaking pulo ng kapuluan. Kahangga nito ang Karagatang Pasipiko sa silangan. Ang baybaying Pasipiko ng Luzon sa may Sierra Madre ay di-gaanong maunlad dahil binubuo ng mga matayog at tuloy-tuloy na kabundukan ng baybayin na makapal at mahirap puntahan, na nakalantad sa buong puwersa ng hilaga-silangang balaklaot at mga alon ng Karagatang Pasipiko.[2] Napakalayo ang mga iilang komunidad sa silangan ng bulubundukin at sa may babayin na mapupuntahan lang sila sa pamamagitan ng eroplano o barko.

Ang pinakamalaking protektadong lugar ng bansa, ang Likas na Liwasan ng Hilagang Sierra Madre, ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng bulubundukin sa lalawigan ng Isabela. Ang liwasan ay nasa pansamantalang talaan ng UNESCO upang itatak sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana. Hinihimok ng mga makakalikasan, iskolar, at dalub-agham ang gobyerno na isama pa ang mga ibang liwasan na bahagi ng bulubunduking Sierra Madre para sa pook ng UNESCO na sumasaklaw ng buong bulbunduking Sierra Madre mula sa lalawigan ng Cagayan hanggang sa Quezon.[3]

  1. (Tinatayang gitna ng bulubundukin)
  2. U.S. Coast and Geodetic Survey (1919). "United States Coast Pilot Philippine Islands Part 1", pg. 44. Government Printing Office, Washington.
  3. Coursey, Oscar William (1903). History and Geography of the Philippine Islands. Educator School Supply Company.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne