Ang Sikhismo ay isang monoteyistikong relihiyon, isang pananampalataya na naniniwala lamang sa isang diyos, na nagmula sa rehiyon ng Punjab sa Timog Asya noong ika-15 siglo. Tinatawag ang mga nananampalataya nito bilang mga Sikh, at tinatawag na Guru Granth Sahib ang kanilang banal na aklat. Isa sa mga pinakabata na kabilang sa mga pangunahing relihiyon ng mundo, na may 30 milyong mga mananampalataya sa buong mundo, kung kaya ang Sikhismo ay ang ika-lima na pinakamalaking relihiyon sa mundo.
Sinimulan ang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, ang una sa "Sampung mga Guru". Nagkaroon ito ng bukod na katangian noong 1699, na pinagdiriwang ng Vaisakhi, kung kailan sinimulan ni Guru Gobind Singh, ang ikasampung ang pagbibinyag kasama ni Khande di Pahul, at nangangailangan na sundin ng mga sikh ang limang mga "K". Tinatawag din itong kapanganakan ng Khalsa