Ang sikolohiyang panlipunan, sikolohiyang pampakikitungo, sikolohiyang pampakikipagkapuwa, sikolohiyang pampakikisalamuha o sikolohiya ng pakikipamuhay sa kapuwa (Ingles: social psychology) ay ang pag-aaral sa kung paano ang interaksiyon o paano nakikipag-ugnayan ang mga tao at mga pangkat ng mga tao. Ang mga iskolar sa ganitong pook na interdisiplinaryo ay karaniwang mga sikologo o kaya mga sosyologo, bagaman ang lahat ng mga sikologong panlipunan ay kapwa gumagamit ng indibiduwal at pangkat bilang mga yunit ng analisis.[1]
Sa kabila ng kanilang pagiging magkahalintulad, ang mga mananaliksik na pangsikolohiya at pangsosyolohiya ay may gawi na pag-ibahin o paghiwalayin ang kanilang mga layunin, mga pagharap, mga paraan, at terminolohiya. Pinapaburan din nila ang magkahiwalay na mga diyaryong pang-akademiya at mga samahang pamprupesyon. Ang pinakadakilang kapanahunan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga sosyologo at mga sikologo ay noong mga panahon na pagkatapos na pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Bagaman mayroong tumataas na pagbubukod at espesyalisasyon sa kamakailang mga taon, ilang mga antas ng pagpapatung-patong at impluwensiya ang nananatili sa pagitan ng dalawang mga disiplinang ito.[3]