Demokratikong Republika ng Silangang Timor Repúblika Demokrátika Timór-Leste República Democrática de Timor Leste | |
---|---|
Salawikain: Unidade, Acção, Progresso (Portuges: "Pagkakaisa, Pagkilos, Kaunlaran") | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Dili |
Wikang opisyal | Tetum at Portuges[1] |
Katawagan | East Timorese, Taga-Silangang Timor |
Pamahalaan | Unitaryong pamahalaang pamamaraang semi-presidensyal |
• Pangulo | José Ramos-Horta |
Xanana Gusmão | |
Kalayaan | |
• Ipinahayag | 28 Nobyembre 1975 |
• Kinilala | 20 Mayo 2002 |
Lawak | |
• Kabuuan | 14,950 km2 (5,770 mi kuw) (ika-154) |
• Katubigan (%) | walang gaano |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2024 | 1,354,662 (ika-153) |
• Senso ng 2022 | 1,341,737 |
• Densidad | 89.7/km2 (232.3/mi kuw) (ika-137) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $5 bilyon (173) |
• Bawat kapita | $3,747 (157) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $2 billion (183) |
• Bawat kapita | $1,497 (151) |
Gini (2014) | 28.7 mababa |
TKP (2022) | 0.566 katamtaman · ika-155 |
Salapi | Dolyara Sentimo ng Silangang Timor ([[ISO 4217|USD]]) |
Sona ng oras | UTC+9 |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +670 |
Kodigo sa ISO 3166 | [[ISO 3166-2:TL|TL]] |
Internet TLD | .tl[3] |
Websayt timor-leste.gov.tl | |
|
Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste, o Silangang Timor, ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso, isang engklabo ng kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng pulo, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.
Sakop noong ika-16 dantaon ng Portugal ang Silangang Timor, at tinawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang pananakop nito. Noong ikahuling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansang Indonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong 20 Mayo 2002. Nang sumali ang Silangang Timor sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 2002, napagpasyahan nilang gamiting opisyal ang pangalan nito sa Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”. Ito ay isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ng Katoliko, sunod sa Pilipinas.