Ang silindro o harmonika[1] ay isang uri ng kasangkapang pangmusika na hinihipan ng bibig habang tinatangan ng mga kamay para makalikha ng tugtugin. Dahil sa isa itong instrumentong pangtugtugin na hinihipan ng bibig, tinatawag din itong "organong pangbibig".[2] Ginagamit ang harmonika sa mga musika blues, tugtuging katutubo o tugtuging bayan (folk), rock and roll, popular (pop), at klasiko.