Basilika Menor ng Itim na Nazareno (Parokya ni San Juan Bautista) | |
---|---|
![]() | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Simbahang Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Arkidiyosesis ng Maynila |
Pamumuno | Monsignori |
Taong pinabanal | (bilang Basilika Menor) 1 Pebrero 1988 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Quiapo, Maynila, Pilipinas |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Istilo | Mexican Baroque |
Haba | 1 |
Ang Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno, na kilala rin bilang Parokya ni San Juan Bautista at impormal na kilala bilang Simbahan ng Quiapo ay isang kilalang Simbahang Katoliko Romano Ritong Latin na Basilika na matatagpuan sa Distrito ng Quiapo, Maynila, Pilipinas. Ang simbahang ito ay kinikilala dahil dito nakalagak ang imahen ng Itim na Nazareno, isang maitim na imahen ng Panginoong Jesukristo kung saan maraming mga namamanata ay natupad sa mapaghimalang kapangyarihan. Ang parokyang ito ay kinabibilangan ng Arkidiyosesis ng Maynila at ito'y kasalukuyang pinamamahalaan, ang Rektor at Kura Paroko na si Rev. Fr. Ramon Jade Licuanan.