Sining

Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining

Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining.

Bagaman pabago-bago ang kahulugaan at kung ano ang sining, mayroong nanatiling pangkalahatang ideya parin ang nasasabi kasama nito. Ang pagiging malikhain o ang kahusayan na ipinapamalas ng tao. Ang kalikasan ng sining at ang mga ideyang kaugnay dito, pagka-malikhain at interpretasyon ay sinisihayat sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika.

Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain. Kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at teatro.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne