![]() | Maaaring naglalaman ang artikulo o seksiyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa natitiyak na mga pag-aangkin. Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye. |
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |
---|---|
![]() | |
Buod | |
Uri | Metro |
Kalagayan | Gumagana |
Lokasyon | Kalakhang Maynila |
Hangganan | Dr. Santos (Unang linya), Antipolo (Ikalawang linya) Fernando Poe Jr. (Unang linya), Recto (Ikalawang linya) |
(Mga) Estasyon | 38 |
(Mga) Serbisyo | 2 |
Araw-araw na mananakay | 2.8 milyon (2013) |
Operasyon | |
Binuksan noong | 1 Disyembre 1984 |
May-ari | Pangasiwaan ng Light Rail Transit |
(Mga) Nagpapatakbo | Pangasiwaan ng Light Rail Transit |
Ginagamit na tren | Unang linya (LRT-1): ACEC Hyundai Precision/Adtranz Kinki Sharyo/Nippon Sharyo Ikalawang linya (MRT-2): Hyundai Rotem |
Teknikal | |
Haba ng linya | Lagpas 31 km (19 mi); 34.5 km (21.4 mi) nang matapos ang pagpapahaba |
Luwang ng daambakal | 1,435 mm (4 ft 8 1⁄2 in) |
Bilis ng pagpapaandar | 40 km/h (25 mph)Error in convert: Option "disp=5" is deprecated (tulong) hanggang 80 km/h (50 mph)Error in convert: Option "disp=5" is deprecated (tulong) |
Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila[1] (Ingles: Manila Light Rail Transit System) ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May dalawang linya ang LRTA: ang LRT-1, na tinatawag bilang Linyang Berde, at ang MRT-2, na tinatawag bilang Linyang Bughaw. Bagaman kinikilala ang sistema bilang isang sistema ng "magaang riles" (light rail), maaaring dahil sa pagiging angat ng sistema, maituturing na mas malapit sa isang metro sa terminolohiyang Europeo-Hilagang Amerikano ang mga linya ng LRTA. Ang sistema ng LRTA ay ang unang sistema ng metro sa timog-silangang Asya, na itinayo na mas maaga pa kaysa sa MRT ng Singgapur ng tatlong taon. Walang kaugnayan ang LRTA sa Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRTC), o ang Linyang Dilaw, na bumubuo ng sistemang magkaiba ngunit magkaugnay.
Isang bahagi ang mga linya nito sa imprastruktura ng transportasyong daangbakal ng Kalakhang Maynila, na kilala bilang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika (SRTS),[2] at pangkalahatang sistema ng pampublikong transportasyon. Bagaman isa sa orihinal na adhika ng sistema ay bawasan ang antas ng paninikip ng trapiko sa kalakhan, marami sa mga pasahero na sumasakay sa mga linya nito ay gumagamit rin ng iba't-ibang uri ng pampublikong transportasyon sa daan, tulad ng mga bus, upang maiabot ang kanilang paroroonan mula sa isang estasyon ng tren at bise-bersa. Habang bumubuo ito ng isang komprehensibong sistema ng transportasyong naglilingkod sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila, bahagyang matagumpay lamang ang sistema sa pagbawas ng antas ng paninikip ng trapiko at sa pagbilis ng paglalakbay, na tuluyang lumalala dahil sa pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.[3] Ang paglawak ng sistema, na isinusulong ng mga sunud-sunod na administrasyon mula pa sa pagkatatag ng LRTA, ay nakatuon sa resolusyon ng problemang ito.
Ang sistema ay nasa pamamahala ng Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA), isang pampublikong kompanya na sa ilalim ng awtoridad ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC) bilang isang kabit na ahensiya.