Ang sistemang koordinadong pangheograpiya (Ingles: geographic coordinate system o GCS) ay isang sistemang koordinado na heodesiko o pabilog para sa pagsukat at pakikipagtalastas ng mga posisyong direkta sa Daigdig bilang latitud at longhitud.[2][3] Ito ang pinakasimple, pinakamatanda, at pinakamalawak na ginagamit sa iba't ibang mga sistemang reperensyang pang-espasyo, at binbuo ang batayan para sa iba pa. Bagaman binubuo ng latitud at longhitud ang isang koordinadong tupla, tulad ng isang sistemang koordinadong kartesiyano, ang sistemang koordinadong pangheograpiya ay hindi kartesiyano dahil mga anggulo ang mga sukat at hindi nasa ibabaw na patag.[4]
Kinabibilangan din ng isnag buong espesikipikasyong GCS, tulad ng yaong mga nakatala sa mga pamantayang EPSG at ISO 19111, ng isang piniling datum heodesiko (kabilang ang elipsoydeng Daigdig), bilang ibang mga datum na magbibigay ng ibang halaga ng latitud at longhitud sa kaparehong lokasyon.[5]