Slapshock | |
---|---|
Pinagmulan | Metro Manila, Pilipinas |
Genre |
|
Taong aktibo | 1997–2020 |
Label | |
Dating miyembro |
|
Website | slapshock.com |
Ang Slapshock ay isang Pilipinong banda na tumutugtog ng musikang bato[1] na hinaluan ng rap. Nabuo ang banda noong Pebrero 14, 1997 ng mga ilang mag-aaral ng UP Diliman, kasama ang orihinal na bokalistang si Reynold Munsayac; dagli siyang napalitang ng pinsan ng gitaristang si Jerry Basco, si Jamir Garcia.[2]
Mabigat na naimpluwensiyahan ng East Coast rap ng Estados Unidos, tumugtog sila sa mga klab sa Maynila noong dekada 1990 bago pumirma sa EMI Philippines (PolyEast Records na ngayon) at naglabas ng una nilang album na 4th Degree Burn noong 1999. Nakapaglabas na ang banda ng anim na album at komersyal na matagumpay sa Pilipinas, partikular ang kanilang ikatlong album na Project 11-41.[2] Nanomina sila bilang Banda ng Taon sa NU107 Rock Awards noong 2001 at 2002, at noong 2003, nanonima sila para sa Pinakamahusay na Alagad ng Sining ng MTV Asia. Nagawaran din ang bahistang si Lee Nadela ng parangal bilang Bahista ng Taon sa NU107 Rock Awards noong 2001.