Ang Kahigpunuan o soberanya (nagmula Kastila soberaniya, mula sa Gitnang Latin na superanus 'sa itaas', 'nakahihigit'), ay may pakahulugan na "kataas-taasang kapangyarihan" o "dakilang kapangyarihan"[1] at "paghahari".[2] Ang kahigpunuan ay nangangailangan ng pamununuan sa loob ng estado, gayundin ang panlabas na awtonomiya para sa mga estado.[3] Sa anumang himansaan o estado, ang kahigpunuan ay natatalaga sa tao, kinatawan, o katatagan na may pinakamataas na karapatan sa ibang tao upang magtatag ng batas o baguhin ang mga umiiral na batas. Sa kaisipang pampulitika, ang kahigpunuan ay isang mahalagang salita na nagtatalaga ng pinakamataas na lehitimong awtoridad sa isang pangkat[4]. Sa pandaigdigang batas, ang kahigpunuan ay ang paggamit ng kapangyarihan ng isang estado. Ang kahigpunuang de jure ay tumutukoy sa pambatas na karapatang gawin ito; Ang kahigpunuang de facto ay tumutukoy sa makatotohanang kakayahang gawin ito. Ito ay maaaring maging isang paksa ng natatanging pagkabahala sa pagkabigo ng karaniwang pagaasam na ang de jure at de facto na kahigpunuan na umiiral sa lugar at panahon ng pagkabalisa, at naninirahan sa loob ng parehong katatagan.
Ang kahigpunuan ay ang kapangyarihan ng isang himansaan o estado na magpatupad ng mga batas sa kaniyang nasasakupan. Batay sa pagaaral ng palabatasan, nauunawaan ang kahigpunuan bilang ang kakayahan ng isang likas na tao (natural person) o pambatas na tao (legal person) na gumamit ng tinataglay na natatanging pambatas na pansariling pagpapasya. Ang kakayahan at kapangyarihan na ito sa pansariling pagpapasya ay maihahayag sa pamamagitan ng kasarinlan at kalayaan ng isang tao o katatagan ng mga tao, at sa gayon ay makikilalang iba mula sa kalagayan ng pagiging nasailalim ng pagpapasya ng iba. Sa agham pampulitika, ang kahigpunuan ay isang makabuluhang salita na tumutukoy sa katangian ng isang katatagan o institusyon, na nagiging ang iisang pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihan ng isang estado sa loob ng isang palatuntunang balangkas. Ang salita ay nilikha malapit sa kasalukuyan nitong kahulugan noong ika-16 na siglo sa doktrina ng absolutismo ng pilosopong Pranses na si Jean Bodin.