![]() | |
Buod ng Department | |
---|---|
Pagkabuo | 6 Hunyo 1901 |
Punong himpilan | Kalye Amorsolo 134, Legaspi Village, Lungsod Makati, Kalakhang Maynila |
Kasabihan/motto | Integrity in advocacy. Social justice through advocacy. |
Tagapagpaganap Department |
|
Websayt | www.osg.gov.ph |
Ang Solisitor Heneral ng Pilipinas[1] (Ingles: Solicitor General of the Philippines) ay ang legal na tagapayò at tagapagtanggol ng pamahalaan ng Pilipinas. Tungkulin ng Taga-usig Panlahat na humarap sa Kataas-taasang Hukuman at Hukuman ng Apelasyon upang katawanin ang sambayanang Pilipino, Pamahalaan ng Pilipinas, at mga ahensiya at instrumentalidad, opisyal at ahente nito sa alinmang litigasyon, hakbangin sa paglilitis, at pagsisiyasat saan man kailanganin ang serbisyo ng mga abogado.[2] Ang Taga-usig Panlahat ay malaya at awtonomus na tanggapang nakadikit sa Kagawaran ng Katarungan.