Sorbetes

Sorbetes na nasa apa.

Ang sorbetes (Kastila: sorbete, Ingles: ice cream) ay isang pinalamig, pinatigas, o pinagyelong panghimagas o meryenda. Ito ay maaaring gawa mula sa gatas (dairy) o krema, o gatas na gawa sa balatong, kasoy, buko o almendras, na may idinagdag na mga pampatamis tulad ng asukal o alternatibong pampalasa tulad ng kakaw o baynilya. Kadalasang idinadagdag ang mga pampakulay at pati na rin ang mga pampatatag. Hinahalo ang timpla para magkaroon ng mga puwang ng hangin at pinapalamig sa temperaturang mas mababa sa nagyeyelong punto ng tubig upang maiwasan ang pagbubuo ng mga malalaking yelong kristal. Ang resulta ay isang makinis, hatinsolidong bula na solido sa mga mababang temperatura (mas mababa sa 2 °C (35 °F)Error in convert: Ignored invalid option "disp=o" (tulong)). Lumalabot ito habang tumataas ang temperatura.

Umiiba ang pangalang "sorbetes" depende sa bansa. Ginagamit ang mga salitang "nagyelong kastard," "nagyelong yogurt," "gelato," "ice cream," at iba pa para sa mga iba't ibang baryante at estilo. Sa mga ilang bansa, tulad ng Estados Unidos, tumutukoy lang ang "ice cream" sa tiyak na baryante, at pinapangasiwaan ng karamihan ng mga gobyerno ang komersyal na paggamit ng mga iba't ibang salita ayon sa kaugnay na dami ng mga pangunahing sangkap, lalo na ang dami ng krema.[1] Tinatawag naman na "nagyelong panghimagas" ("frozen dessert") ang mga produkto na hindi nakakatugon sa pamantayan para tawaging sorbetes.[2] Sa mga ibang bansa, tulad ng Italya and Arhentina, isang salita lamang ang ginagamit para sa lahat ng baryante. Mayroon ding mga katapat na mga alternatibo sa dairy, tulad ng gatas ng kambing o tupa, o mga kapalit ng gatas (hal. soya or tokwa) para sa mga lactose intolerant, may alerhiya sa protina ng dairy, or begano.

Sorbetes na karot

Maaaring ihain ang sorbetes sa mga putahe, para kainin gamit ang kutsara, o dilaan mula sa mga nakakaing apa. Maaaring ihain ang sorbetes kasama ng mga ibang panghimagas, tulad ng apple pie, o bilang sangkap sa mga ice cream float, sundae, milkshake, ice cream cake at kahit sa mga inihurnong pagkain, tulad ng Baked Alaska.

  1. "Ice Cream Labeling: What Does it all Mean?". International Foodservice Distributors Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2008. Nakuha noong 9 Agosto 2008.
  2. "Ice Cream's Identity Crisis". The New York Times. 17 Abril 2013. Nakuha noong 1 Enero 2017.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne