Ang Speculum al foderi (paminsan-minsang tinatawag na "Ang Salamin ng Pagtatalik" o literal na "isang salamin para sa mga nagtatalik") ay isang ika-15 daantaong tekstong nasa wikang Katalan na natuklasan noong dekada 1970. Mahalaga ang teksto sapagkat ito lamang ang nalalamang pormal na sulating naglalarawan ng sining ng mga posisyong seksuwal.