Stanley Lloyd Miller | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 7 Marso 1930 |
Kamatayan | 20 Mayo 2007 | (edad 77)
Nasyonalidad | United States |
Nagtapos | University of California at Berkeley |
Kilala sa | Abiogenesis |
Parangal | Oparin Medal |
Karera sa agham | |
Larangan | Chemistry |
Institusyon | University of Chicago Columbia University University of California, San Diego |
Doctoral advisor | Harold Urey |
Doctoral student | Jeffrey Bada |
Si Stanley Lloyd Miller (7 Marso 1930 – 20 Mayo 2007) ay isang Hudyong-Amerikano na kimiko na nagsagawa ng mga eksperimento sa pinagmulan ng buhay sa pamamagitan ng pagpapakita na ang isang malawak na saklaw na mga mahahalagang kompuwestong organiko ay masisynthesize ng mga simpleng prosesong kimikal mula sa mga substansiyang inorganiko. Ang pagkakalimbag ng kanyang pagsasaliksik noong 1953[1] ang nagpasikat sa kanya at pinasikat bilang eksperimentong Miller-Urey. Sa kanyang mga limang dekada ng patuloy at nakatalagang pagsasaliksik sa ebolusyong kimikal ng maagang mundo, malakas na napatunayan ang synthesis sa kalikasan ng mga pantayong bloke ng buhay mula sa mga hindi buhay na mga inorganikong molekula sa ilalim ng iba ibang mga kondisyon ng atmospero.[2] Siya ay kinikilala bilang "ama ng kimikang prebiyotiko".[3][4]