Ang sultan (Arabe: سلطان) ay isang katawagan, pangalan, o pamagat para sa mga pinuno o monarka ng Islam. Sa kadalasan, bagaman may kamalian kung minsan, ang asawa ng isang sultan ay tinatawag na sultana o sultanah. Ang salitang sultan ay isang pangngalan sa wikang Arabe na ang kahulugan ay "lakas", "tibay", "may kapangyarihan", "kapangyarihan", o "pagkapinuno". Sa pagdaka, ang salitang ito ay naging ginagamit bilang pamagat ng ilang mga pinunong Muslim na umangkin ng buong kasarinlan, pangingibabaw, at kapangyarihan. Hindi nila kailangang tumanggap ng mga utos o atas mula sa anumang mas mataas na pinuno, na hindi umaako o umaangkin ng buong kakalipahan. Ang dinastiya at mga lupain na pinamumunuan ng isang sultan ay tinatawag na isang kasultanan o sultanado (sultanate sa Ingles).