![]() Suman sa lihiya, isang uri ng suman na nakabalot sa dahon ng saging | |
Lugar | Pilipinas |
---|---|
Pangunahing Sangkap | Malagkit |
|
Ang suman o budbud ay kakanin mula sa Pilipinas. Gawa ito sa pinaghalong malagkit na bigas na niluto sa gata ng niyog na karaniwang binabalot sa dahon ng saging, niyog, o buli na pinapasingawan.[1] Kadalasan, binubudburan ito ng asukal o nilalagyan ng latik, tapos kinakain. May malaganap na uri ng suman na gawa sa kamoteng-kahoy sa halip ng malagkit.