Susan Roces

Susan Rocés
Kapanganakan
Jesusa Purificación Sonora

28 Hulyo 1941(1941-07-28)
Kamatayan20 Mayo 2022(2022-05-20) (edad 80)
TrabahoAktres
Aktibong taon1952–2022
AsawaFernando Poe, Jr. (k. 1968–2004)

Si Susan Roces ay unang nasilayan sa pelikula ng Jose Nepomuceno Productions noong siya ay 10 anyos pa lamang na pinamagatang Mga Bituin ng Kinabuksan, isang drama na kasama si Ike Lozada na noon ay isa ring batang paslit.

Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na noo'y reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero.

Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya.

Isa siya sa mga barkada ni Dolphy sa pelikulang Kulang sa 7 at papel ng isang dalagitang umako ng kasalanan ng iba sa madramang pelikula na Sino ang Maysala at isang panauhing artista lamang sa pelikulang Pasang Krus (1957) kasama si Romeo Vasquez.

Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne